Sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar-Binuksan dito noong Agosto 31, 2016 ang apat araw na 21st Century Panglong Peace Conference ng Myanmar. Kaugnay nito, ipinahayag Seteymbre 1, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati sa maalwang pagdaraos ng nasabing pagtitipon.
Ipinahayag ni Hua na bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar, susuporta ang Tsina sa lahat ng mga pagsisikap para maisakatuparan ang kapayapaan sa bansa. Aniya, sa paanyaya mula sa Myanmar, dumalo sa nasabing pulong si Sun Guoxiang, Sugo sa mga Suliranin ng Asya ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag din ni Hua na alinsunod na kahilingan at mithiin ng pamahalaan at mga may-kinalamang panig ng Myanmar, nakahanda ang Tsina na magsikap, para gumanap ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan. Handa rin aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Myanmar para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.