|
||||||||
|
||
Group photo ng mga kalahok sa G20 Summit na pinangungunahan ni Pangulong Xi Jinpin at kanyang asawa na si Peng Liyuan, Sept. 4, 2016. (Xinhua/Yao Dawei)
Habang nakikipagtagayan sa bangkete, inilarawan ni Xi ang G20 platform bilang tulay ng pagkakaibigan, kooperasyon at kinabukasan.
Pagkaraan ng bangkete, nag-enjoy ang mga panauhin sa evening gala ng pinaghalong kulturang silanganin at kanluranin. Pinanood ng mga kalahok ang klasikong musikang Tsino, katutubong sayaw, tradisyonal na awitin at ballet.
Ang gala na idinirekta ng kilalang director Tsino na si Zhang Yimou ay itinanghal sa West Lake. Ang entablado ay itinayo ilang sentimentro sa ibabaw ng tubig at ang mga performer ay parang nakalutang sa katubigan.
Pagtatanghal ng mga alagad ng sining sa evening gala , Sept. 4, 2016. (Xinhua)
Binuksan Linggo, Setyembre 4, 2016, ang dalawang-araw na 2016 G20 Summit sa Hangzhou, Tsina. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |