|
||||||||
|
||
Sa katatapos na Ika-19 Summit ng ASEAN at Tsina (10+1) sa Vientiane, Laos, apat na dokumento ang pinagtibay ng dalawang panig.
Kabilang sa mga ito ay magkasanib na pahayag bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng ASEAN at Tsina.
Nahahati ang dokumento sa dalawang bahagi na kinabibilangan ng paunang salita at nilalaman.
Sa paunang salita, binigyan ng dokumento ng mataas pagtasa ang mga natamong bunga ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Binigyang-diin din nitong ang relasyong Sino-ASEAN, isa sa mga relasyong may pinakamayamang nilalaman at pinakamalakas na sigla ay hindi lamang nagdudulot ng kapakinabangan sa dalawang panig kundi nag-aambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.
Sa pangunahing nilalaman, inulit ng dalawang panig ang mga patakaran sa isa't isa. Ipinahayag ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa pagkakatatag ng ASEAN Community, suporta sa integrasyon ng ASEAN at pagkatig sa pangunahing katayuan ng ASEAN sa rehiyon. Inulit ng ASEAN na ang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon para sa rehiyon at suporta sa mapayapang pag-unlad ng Tsina. Binalak din ng dalawang panig na palalimin ang kanilang pagtutulungan sa pulitika, seguridad, kabuhaya't kalakalan, konektibidad, edukasyon, turismo, kapaligiran at sub-region. Kabilang sa mga konkretong pagtutulungan ay pagpapatupad sa protocol hinggil sa upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), pagpapasulong ng paglagda ng Regional Comprehensive Economic Partnership, pagtakda ng 2017 bilang Taon ng Turismo ng ASEAN at Tsina, pagpapahigpit sa kooperasyon sa balangkas ng Lancang-Mekong Sub-region.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinagdiinan ng pahayag ang kahalagahan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at patuloy na mabisang tutupdin ito. Ipinangako rin nilang mararating ang Code of Conduct (COC) ng DOC, batay sa pagsasanggunian. Ipinahayag din ng pahayag ang mainit na pagtanggap sa Magkasanib na Pahayag hinggil sa Pagsasagawa ng Code for Unplanned Encounters at Sea in the South China Sea (CUES) at Guideline on Senior Diplomat Hot Line (GSDHL), dalawang dokumento na pinagtibay rin sa katatapos na 10+1 Summit para mahawakan ang mga pangyayaring pangkagipitan sa karagatan.
Pinagtibay rin sa katatapos na summit ang magkasanib na pahayag hinggil sa production capacity cooperation.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |