Sa katatapos na roundtable meeting ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa larangan ng radyo, telebisyon, at pelikula, Miyerkules, Setyembre 7, 2016, sa Lunsod ng Nanning ng Guangxi sa dakong Timog ng Tsina, pinagtibay ang mungkahi ng malalimang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa radyo, telebisyon, at pelikula.
Ang naturang mga mungkahi ay kinabibilangan ng pagpapahigpit ng diyalogo at pag-uugnayan sa pagitan ng pamahalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN, pagpapalaki ng kooperasyon sa news programs at ibang mga produkto ng balita, pagpapalalim ng kooperasyon sa TV series at pelikula, pagpapasulong ng kooperasyon sa industriya, at pagsasagawa ng pagpapalitan ng mga tauhan.
Bukod dito, narating ng Guangxi Peoples' Radio Station at Guangxi TV station ang mga kasunduan ng kooperasyon sa mga media ng Cambodia, Laos, at Biyetnam.
Ang naturang pulong ay itinaguyod ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Tsina. Ito rin ay isa sa mga pulong para pasulungin ang "Belt and Road" Initiative para sa komong pag-unlad.