|
||||||||
|
||
Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Isang press conference ay ang pinasinayaan nitong Lunes, Setyembre 12, 2016, hinggil sa "Ulat ng Pag-aaral sa Pagsasaginhawa ng Kalakalan ng Tsina at ASEAN (Cambodia, Laos, Myanmar, at Biyetnam)." Ito ay isa sa mga aktibidad na idinaos sa panahon ng Ika-13 China-ASEAN Business at Investment Summit.
Ang nasabing ulat ay itinaguyod ng sekretaryat ng summit na naglalayong iharap ang patakaran at mungkahi para mabawasan ang mga umiiral na problema sa kalakalan ng dalawang panig. Ang bunga ng ulat ay makakatulong sa pagpapataas ng lebel ng pagsasaginhawa ng kalakalang Sino-ASEAN, at pagpapasulong ng pag-u-upgrade ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.
Dumalo sa nasabing press conference ang mga opisyal mula sa Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, at Biyetnam, at halos 50 kinatawan mula sirkulo ng komersyal ng nasabing limang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |