Binuksan kahapon ng hapon, Martes, ika-13 ng Setyembre 2016, sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang Ika-71 General Assembly ng UN (UNGA). Ang tema nito ay "Target ng Sustenableng Pag-unlad: Magkakasamang Pagpapasulong sa Pagbabago ng Ating Mundo."
Si Peter Thomsen, diplomatang taga-Fiji, ang tagapangulo ng Ika-71 UNGA. Sinabi niyang, ang pagpapasulong sa kapayapaan, paglaban sa terorismo, paglutas sa isyu ng mga migrante, pagpapahupa ng makataong krisis, at pagpapasulong sa pagpapatupad ng UN 2030 Sustainable Development Agenda ay mga pangunahing misyon ng kasalukuyang UNGA.
Salin: Liu Kai