Idinaos kahapon, Martes, ika-13 ng Setyembre 2016, sa Nanning, Tsina, ang pulong ng mga mataas na opisyal ng China-ASEAN Expo (CAEXPO).
Itinakda ng mga kalahok na opisyal na ang Ika-14 na CAEXPO ay nakatakdang idaos mula ika-22 hanggang ika-25 ng Setyembre, 2017, at ang Brunei ay magiging country of honor.
Isinalaysay naman ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAEXPO, na ang susunod na ekspo ay patuloy na magpopokus sa "Belt and Road" Initiative at pag-a-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area.
Salin: Liu Kai