Sa isang regular na preskon Miyerkules, Setyembre 14, 2016, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang tugon sa kasalukuyang situwasyon ng Korean Peninsula, ipinalalagay ng panig Tsino na kailangang gumawa ang United Nations (UN) Security Council ng ibayong reaksyon tungkol sa isinagawang nuclear test ng Hilagang Korea. Dapat din aniyang maging halata ang intensyon ng nasabing reaksyon na nakakatuon, pangunahin na, sa aktibidad na nuklear ng naturang bansa. Ito ay naglalayong makatulong sa paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, at sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsulang ito, dagdag pa ni Hua.
Salin: Li Feng