NAGSAMA-SAMA ang mga dalubhasa mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig sa masusing talakayan, technical sessions at pagtatanghal sa Transport Forum 2016: Sustainable Transport for All sa Asian Development Bank.
Sa pagsisimula kanina, binanggit na ang epekto ng polusyon sa kalusugan ng mga mamamayan. Magkakasama ang mga dalubhasa sa transportasyon at international development. Makakasama ang mga opisyal ng iba't ibang bansa sa rehiyon at mga kinatawan ng pribadong sector hinggil sa uri ng hangin, kaligtasan, pagtugon sa mga kalamidad, paglalakbay tungo sa kanayunan at city transport development.
May dalawang antas ng plenaryo hinggil sa sustainable transport kasama si ADB President Takehiko Nakao at mga kinatawan ng Pilipinas na kabibilangan ni NEDA Director General at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Ang sustainable transport ang susi sa kaunlaran na napag-usapan na sa Sustainable Development Goals at Paris Agreement on Climate Change noong nakalipas na taon.
Magtatapos ang pulong sa darating na Huwebes, ika-15 ng Setyembre.