|
||||||||
|
||
BAGAMA'T may kasaysayan ang mga Filipino na makipaglaban sa pamamagitan ng mga kris noong nakikidgma sa mga Americano, na maituturing na suicidal, wala sa kultura ng mga Filipino ngayon na gumawa ng mga ginagawa ng ibang mga mamamayan sa ibang bahagi ng daigdig.
WALA SA KULTURA NG MGA FILIPINO ANG SUICIDE BOMBERS. Ito ang paniniwala ni Dr. Stephen Cutler, isang dalubhasa sa larangan ng seguridad sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. (Melo M. Acuna)
Ito ang sinabi ni Dr. Stephen Cutler, isang dalubhasa sa larangan ng seguridad, sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga. Idinagdag pa niya mayroong mga pagtatangka ang ilang mga grupo na mangalap ng puwersa subalit limitado lamang ito sa kanilang paghahanap ng salapi para sa kanilang pangsariling interes tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf ngayon.
NAGTANGKA NA RIN ANG MGA TERORISTANG GAMITIN ANG SOCIAL MEDIA. Mga dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas ng pagtangkaan ng mga teroristang gamitin ang social media sa kanilang recruitment activities subalit hindi ito pinatulan ng karamihan ng mga Filipino. Ito ang sinabi ni retired General Boogie Mendoza kanina. (Melo M. Acuna)
Para kay retired General Rodolfo Mendoza, isa sa mga dalubhasa sa intelligence sa hanap ng Philippine National Police, mga dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas ng magtangka ang mga Abu Sayyaf at ilang mga militanteng grupo na gamitin ang Facebook at Twitter sa kanilang recruitment activities subalit hindi gasinong kinagat ng mga Filipino.
Isang malaking hamon para sa pamahalaan ang pagbabantay sa social media sapagkat may mga puwersang magtatangka at magtatangkang gamitin ito sa kanilang idolohiya.
PULIS MAYNILA, ALERTADO. Kinausap na ng Manila Police District ang mga tanggapan ng pamahalaan at mga mangangalakal na maging mapagbantay sa kanilang mga pasilidad matapos lumabas ang mga balitang may mga terorista. Hindi umano sila magpapabaya sa kanilang tungkulin, dagdag pa ni Sr. Supt. Joel Coronel sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. (Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag naman ni Manila Police Director Sr. Supt. Joel Coronel na alertado na ang mga tauhan ng pulisya sa National Capital Region, partikular na ang Lungsod ng Maynila. Nakausap na rin nila ang security officials ng mga tanaggapan ng pamahalaan at maging malalaking mall sa lungsod.
Batid ng mga security guard ang kanilang hinahanap sa bawat pagrerekisa ng mga kagamitan ng mga pumapasok sa malalaking shopping mall.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |