|
||||||||
|
||
Kinumpirma Miyerkules, Setyembre 1, 2016, ang unang kaso ng Zika virus sa Malaysia. Ang babaeng Malay na nahawan ng Zika ay pumunta kamakailan sa Singapore, kung saan dumarami ang mga kumpirmadong kaso.
Ang 58 taong gulang na maysakit ay taga-Bandar Botanic, Klang sa Selangor. Pinaghihinalaan siyang nahawahan ng sakit sa kanyang pagbisita sa kanyang anak sa Singapore mula Agosto 19 hanggang 21.
Wala pa namang sintomas ng Zika infection ang asawa at ibang kapamilya na kasama sa tirahan ng maysakit.
Samantala sinimulan ng Ministri ng Kalusugan ng Malaysia ang "vector control" operation para mapigilan ang pagdami ng Aedes mosquito, lamok na nagpapalaganap ng Zika virus, chikungunya at dengue, sa lugar na panirahan ng maysakit at ibang lugar na kanyang pinuntahan.
Kabilang sa mga sintomas ng Zika infection ay lagnat, pamamantal, pananakit ng kasukasuan at namumulang mata. Pero, kadalasan hindi ito nangangailangan ng pagkaospital, at mababa rin ang insidente ng kamatayan. Ngunit, ito'y lubhang mapanganib para sa mga nagdadalang tao dahil naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |