Ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Setyembre 2016, ni Pangulong Barack Obama ng Amerika, na sa malapit na hinaharap, aalisin ng Amerika ang mga sangsyon laban sa Myanmar.
Winika ito ni Obama, pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo sa White House kay dumadalaw na State Counselor Aung San Suu Kyi ng Myanmar. Pero, hindi nilinaw ni Obama ang mga espesipikong sangsyong aalisin, at time table hinggil dito. Dagdag pa niya, nitong ilang taong nakalipas, naganap sa Myanmar ang mahalagang pagbabago sa pulitika at kabuhayan.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi, na bukas na ang Myanmar sa labas, para magkakasamang paunlarin ang kabuhayan nito. Kaya aniya, hinog ang panahon para alisin ang lahat ng mga sangsyong nakakaapekto sa kabuhayan ng Myanmar.
Salin: Liu Kai