Dumalo Huwebes, Setyembre 15, 2016 sa New Delhi ng India si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa ika-6 na National Security Affairs Senior Representative Conference ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa).
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa kooperasyon ng mga bansang BRICS, cyber security, kaligtasan ng enerhiya, paglaban sa terorismo, at kalagayan sa Kanlurang Asya, Hilagang Aprika at Gitnang Silangan.
Ang nasabing pulong ay nagsagawa rin ng paghahandang pulitikal para sa ika-8 pulong ng mga lider ng BRICS na idaraos sa Goa ng India sa darating na Oktubre.
Nakipagtagpo si Narendra Modi, Punong Ministro ng India, sa mga kahalok na kinatawan ng mga bansang BRICS. Umaasa aniya siyang matatamo ang aktuwal na bunga sa nasabing pulong ng mga lider ng BRICS para palakasin ang impluwensiya ng mga umuunlad na bansa at bagong-sibol na bansa na nagsasagawa ng market economy.
Sinabi ni Yang Jiechi na sa katatapos na G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina, narating ang mahalagang nagkakaisang posisyon ng mga bansang BRICS sa pagpapasulong ng mga kooperasyon. Aniya pa, sa pundasyong ito, nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng ibang mga bansang BRICS, ang tagumpay ng pulong ng mga lider ng BRICS sa Goa.