Sa ika-33 pulong ng Uinted Nations Human Rights Council (UNHRC), sa ngalan ng halos 140 bansa, bumigkas Biyernes, ika-16 ng Setyembre, 2016, si Embahador Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva, ng magkakasanib na talumpating pinamagatang "Nagpapasulong ang Kaunlaran sa Karapatang Pantao." Binigyang-diin niyang mahalagang mahalaga ang kaunlaran para sa pangangalaga at pagpapasulong sa karapatang pantao.
Ipinahayag ni Ma na nagpupunyagi ang mga bansang Asyano, Aprikano at Latin-Amerikano para mapangalagaan at mapasulong ang kalagayan ng karapatang pantao ng sariling bansa, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng sariling pag-unlad, at natamo nila ang kapansin-pansing tagumpay dito. Aniya, ang "2030 Agenda for Sustainable Development" ng UN ay nagpapakita ng mahalagang papel na tagapagpasulong ng sustenableng pag-unlad para sa karapatang pantao. Ang paglikha ng isang makatarungan, komprehensibo at sustenableng kapaligiran ng pag-unlad ng karapatang pantao, at paggarantiya sa pagtatamasa ng lahat ng mga tao ng bunga ng kaunlaran ay komong tungkulin ng komunidad ng daigdig, dagdag pa niya.
Salin: Vera