Sa pagtataguyod ng Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, binuksan kahapon, Lunes, ika-19 ng Setyembre 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations sa New York, ang eksibisyon hinggil sa usapin ng karapatang pantao ng Tsina.
Itinatanghal sa eksibisyon ang mahigit 80 kuhang-larawan hinggil sa mga natamong progreso ng Tsina sa usapin ng karapatang pantao, gaya ng pagbabawas ng kahirapan, pagbibigay-tulong sa mga may-kapansanan, paglahok sa pandaigdig na makataong aksyon, at iba pa.
Salin: Liu Kai