Sa kanyang talumpati kahapon, Marso 10, 2016, sa Ika-31 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), inilahad ni Fu Cong, charge d'affaires ng pirmihang delegasyong Tsino sa Geneva, ang paninindigan ng Tsina tungkol sa taunang Working Report ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR).
Kaugnay ng kung paano mapapalakas ang mekanismo ng karapatang pantao, ipinahayag ni Fu na ipinalalagay ng panig Tsino na ang pinakamahalagang tungkulin ay ang buong tatag na pangangalaga sa karangalan at kapangyarihan ng pandaigdigang mekanismo ng karapatang pantao. Dapat din aniyang baguhin ang unti-unting nagiging pulitikal na kalagayan ng naturang isyu, at hindi dapat isagawa ang "double standrads."
Kaugnay naman kung paano mapapasulong ang pagiging pangunahing tunguhin ng karapatang pantao, iniharap ni Fu na dapat gumawa ng pagsisikap sa sumusunod na tatlong aspekto. Una, dapat igarantiya ang mabisang koordinasyon; Ikalawa, dapat igalang at pangalagaan ang kapangyarihan at namumunong katayuan ng may-kinalamang organo ng UN sa mga kinauukulang tema; Ikatlo, dapat igalang ang pagpili ng iba't-ibang bansa ng modelo at landas na angkop sa sariling pag-unlad, batay sa kani-kanilang kalagayang pang-estado.
Kasalukuyang idinaraos sa Geneva ang Ika-31 Pulong ng UNHRC.
Salin: Li Feng