Sa pagtataguyod ng Tsina, idinaos kahapon, Lunes, ika-19 ng Setyembre 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang talakayan hinggil sa sustenableng pag-unlad. Kalahok dito sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, Tagapangulo Peter Thomsen ng Ika-71 UN General Assembly, at mga namamahalang tauhan ng ilang organisasyong pandaigdig.
Inilahad ni Li ang paninindigan ng Tsina sa sustenableng pag-unlad, at binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng bukas, interkonektado at inklusibong pag-unlad.
Ani Li, ipinalabas na ng Tsina ang sariling plano hinggil sa pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN. Inilakip aniya ng Tsina ang lahat ng mga target ng agenda sa pangkalahatang plano ng pag-unlad ng bansa, at itinakda ang mga konkretong hakbangin.
Dagdag ni Li, ang pagharap ng pamahalaang Tsino ng "Belt and Road" Initiative ay naglalayon ding pasulungin ang sustenableng pag-unlad sa antas ng rehiyon at daigdig.
Salin: Liu Kai