Dumalo kahapon, Martes, ika-20 ng Setyembre 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa summit hinggil sa isyu ng refugee.
Binigyang-diin ni Li, na ang pagharap sa isyu ng refugee ay obligasyon at responsibilidad ng iba't ibang bansa ng daigdig. Ipinahayag niyang hindi lamang ipinangako ng Tsina na isasabalikat ang mga may kinalamang responsibilidad, sa ilalim ng balangkas ng UN, na angkop sa sariling kakayahan, kundi rin ipagkakaloob ang tulong sa mga umuunlad na bansa na apektado ng naturang isyu. Ito aniya ay naglalayong lutasin ang pinag-ugatan ng isyu ng refugee.
Sinabi naman ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, na para lutasin ang isyu ng refugee, dapat buong sikap na magtulungan ang iba't ibang bansa ng daigdig.
Ang naturang summit, na idinaos sa pagtataguyod ng Amerika, ay isa pang mataas na pulong hinggil sa isyu ng refugee, pagkaraan ng Summit for Refugees and Migrants ng Ika-71 UN General Assembly. Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa isyung ito.
Salin: Liu Kai