Sa New York, punong himpilan ng United Nations(UN), sinimulan ang regular na debatehan ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN, mula Setyembre 20-26, 2016. Nakatakdang bumigkas ng talumpati sa pagtitipon ang mga lider mula sa mahigit 140 bansa sa daigdig.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na nagsisikap ang komunidad ng daigdig para isakatuparan ang target ng sustenableng pag-unlad. Aniya, inilagay na ng 50 bansa ang 2030 Sustainable Development Agenda sa kani-kanilang pampamahalaang pagpaplanong pangkaunlaran. Aniya pa, sa harap ng pagbabago ng klima sa buong mundo, umaasa si Ban na aaprobahan ng mga bansa ang Paris Agreement, sa lalong madaling panahon. Ipinahayag naman ni Peter Thomsen, Tagapangulo ng kasalukuyang Pangkalahatang Asemblea ang pag-asang pabibilisin ang pagsasakatuparan ng target ng sustenableng pag-unlad, sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng edukasyon sa batang henerasyon, inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, pagtatatag ng pangmatagalang kapayapaan at iba pa.