|
||||||||
|
||
Ayon sa magkasanib na pahayag Miyerkules, Setyembre 21, 2016, ng Malaysia, Australia, Belgium, Ukraine at Netherlands, ilalabas sa Setyembre 28 ang medium-term report hinggil sa resulta ng imbestigasyon sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Napag-alamang ang ilalabas na ulat ay may kinalaman sa resulta ng imbestigasyong kriminal.
Noong Oktubre, 2015, isinapubliko ng Dutch Safety Board (DSB) ang ulat ng resulta ng imbestigasyong teknikal. Ayon sa ulat na ito, pinabagsak ang eroplano ng missile na pinaputok mula sa BUK surface-to-air missile system.
Noong ika-17 ng Hulyo, 2014, bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine, sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Dalawang daan at walumpu't tatlong (283) pasahero at 15 crew ang nasawi sa trahedyang ito. Tatlong Pinoy na sina Irene Gunawan (54 taong gulang), kasama ang kanyang dalawang anak na sina Sherryl Shania Gunawan (15 taong gulang) at Darryl Dwight Gunawan (20 taong gulang) ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |