|
||||||||
|
||
Martes ng gabi, ika-20 ng Setyembre, 2016, local time, dumalo at bumigkas ng talumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa bangketeng panalubong na magkakasamang itinaguyod ng Economic Club of New York, National Committee on United States-China Relations, at United States-China Business Council.
Ipinahayag ni Li na sa harap ng mga di-matatag na elementong gaya ng kasalukuyang matumal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at madalas na paglitaw ng sagupaan ng geopolitics, hindi dapat isaalang-alang ng mga bansa ang sariling interes lang.
Binigyang-diin ni Li na ang Estados Unidos ay pinakamalaking maunlad na bansa, at ang Tsina naman ay pinakamalaking umuunlad na bansa. Maraming bagay ang kailangang gawin ng Tsina para maisakatuparan ang modernisasyon. Aniya, ang pag-unlad ng Tsina ay nakikinabang sa mapayapang kapaligirang pandaigdig at matatag na kapaligirang nakapaligid. Buong tatag aniyang tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Ani Li, sa panahon ng pagdalaw ni Dr. Henry Kissinger sa Tsina noong 45 taon na ang nagdaan, halos sero ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. 45 taon makalipas, ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Amerika ay katumbas ng 1/5 ng kabuuang bolyum ng kalakalan ng buong mundo, at ang kabuhayan ng Tsina at Amerika naman ay katumbas ng 1/3 ng kabuhayang pandaigdig. Sa proseso ng ganitong malaking kalakalan at pamumuhunan, di-maiiwasan ang alitan, pero mas malaki kaysa maling pagkaunawa at alitan ang komong interes ng dalawang bansa. Umaasa aniyang magkasamang magsisikap ang panig Amerikano at Tsino, para marating ang kasunduan sa bilateral na pamumuhunan na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation sa mataas na antas.
Tinukoy ni Li na ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan pa rin ng puhunang dayuhan at sulong na teknolohiya at ideya ng pangangasiwa. Nitong nakalipas na 24 na taong singkad, ang Tsina ay nanatiling isang umuunlad na bansang may pinakamalaking direktang pamumuhunan ng puhunang dayuhan. Aniya, sa proseso ng unti-unting pagpapalawak ng pagbubukas, magiging mas maluwag ang larangan ng pagpasok ng puhunang dayuhan.
Ipinahayag naman ng mga personaheng Amerikano na kinabibilangan ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika na bilang dalawang bansang may pinakamalaking impluwensiya sa daigdig, may responsibilidad ang Tsina at Amerika na palakasin ang pag-uugnayan, iwasan ang alitan, at buklurin ang komong palagay, upang gumawa ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng buong mundo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |