Sa sidelines ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations(UN), nag-usap sa New York, Setyembre 21, 2016 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang Pakistani counterpart na si Nawaz Sharif.
Ipinahayag ni Li na bilang matalik na estratehikong magkatuwang, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pakistan, para ibayong palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ito aniya'y makakatulong sa pagbibigay-sigla sa ibayong pag-unlad ng relasyong Sino-Pakistani.
Ipinahayag naman ni Sharif na bilang matalik na magkaibigan, nananatiling maalwan ang pag-unald ng relasyong Sino-Pakistani, at pumasok sa bagong yugto ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Aniya, nagsisikap ang Pakistan para pasulungin ang pagtatatag ng economic corridor ng Tsina at Paksitan, at isasagawa nito ang hakbangin para igarantiya ang kaligtasan ng mga manggagawang Tsino. Aniya pa, hinihintay ng Paksitan ang natamong bunga sa naturang proyekto.