Bumisita kahapon, Huwebes, ika-22 ng Setyembre 2016, sa New York, si Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina, sa eksibisyon hinggil sa usapin ng karapatang pantao ng Tsina, na idinaraos sa Punong Himpilan ng United Nations.
Sinabi ni Li, na ipinakikita ng naturang eksibisyon ang mga natamong bunga ng Tsina sa pangangalaga sa karapatang pantao, at makakatulong ito sa pagkaalam ng komunidad ng daigdig sa pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina.
Sa pagtataguyod ng Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang naturang eksibisyon ay ini-organisa ng China Radio International. Itinatanghal dito ang mahigit 80 kuhang-larawan hinggil sa mga natamong progreso ng Tsina sa usapin ng karapatang pantao, gaya ng pagbabawas ng kahirapan, pagbibigay-tulong sa mga may-kapansanan, paglahok sa pandaigdig na makataong aksyon, at iba pa.