|
||||||||
|
||
Sa New York — Muling idinaos Huwebes, Setyembre 22, 2016, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng International Syria Support Group (ISSG). Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina, na kung talagang nais resolbahin ang krisis ng Syria, kailangang magkakasamang magsikap ang iba't-ibang kaukulang panig at gawin ang kompromiso sa pamamagitan ng kanilang talastasan.
Ani Li, mainit na tinatanggap ng panig Tsino ang pagkakaroon kamakailan ng Estados Unidos at Rusya ng bagong kasunduan tungkol sa tigil-putukan sa Syria. Umaasa aniya siyang makakapagbigay ang nasabing bagong kasunduan ng bagong puwersa sa pagpapabuti ng situwasyon ng Syria.
Dagdag pa niya, hinihimok ng panig Tsino ang iba't-ibang may-kinalamang panig na gumawa ng aktuwal na pagsisikap para maayos na harapin ang mga hamong kasalukuyang kinakaharap ng pagsasakatuparan ng kasunduang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |