|
||||||||
|
||
Ayon sa arawang magkasanib na pahayag ng Ministri ng Kalusugan (MOH) at National Environment Agency (NEA) ng Singapore, hanggang Miyerkules ng tanghali, Setyembre 7, 2016, umabot sa 283 ang bilang ng mga nahawahan ng Zika virus ng bansa. Walo (8) sa mga ito ang bagong kaso. Mas mababa ang bilang ng mga karagdagang kaso kumpara sa nitong ilang araw na nakalipas kung saan kadalasang 20 hanggang 30 ang bilang ng arawang bagong kaso.
Samantala, 150 habitat ng Aedes mosquito, lamok na nagpapalaganap ng Zika, chikungunya at dengue ang nalipol.
Noong katapusan ng Agosto, ipinatalastas ng Singapore ang locally transmitted na Zika infection.
Nitong nagdaang Mayo, ipinatalastas ng Singapore ang unang kaso ng Zika virus at ang maysakit ay isang 48 taong gulang na lalaki na umuwi mula sa Brazil.
Kabilang sa mga sintomas ng Zika infection ay lagnat, pamamantal, pananakit ng kasukasuan at namumulang mata. Pero, kadalasan hindi ito nangangailangan ng pagkaospital, at mababa rin ang insidente ng kamatayan. Ngunit, ito'y lubhang mapanganib para sa mga nagdadalang tao dahil naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |