|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag Lunes, Setyembre 5, 2016, ng Ministri ng Kalusugan (MOH) ng Singapore, hindi na ikukuwarantina ang mga pinaghihinalaang nahawahan ng Zika virus. Anito pa, kaugnay ng mga kumpirmadong maysakit, maaari silang magpasiya kung magpaospital o hindi, batay sa mungkahi ng doktor.
Ayon sa magkasanib na pahayag Lunes ng gabi ng MOH at National Environment Agency (NEA) ng Singapore, hanggang Lunes ng tanghali, umabot na sa 258 ang kumpirmadong kaso ng Zika sa bansa. Mas mataas ito ng 16 kaso kumpara sa bilang noong Linggo. Kabilang sa mga karagdagang kaso, 4 ang walang kaugnayan sa mga apektadong lugar.
Sapul noong katapusan ng Agosto, nang ipatalastas ng bansa ang locally transmitted na Zika infection, patuloy na dumarami ang mga kumpirmadong kaso.
Nitong nagdaang Mayo, ipinatalastas ng Singapore ang unang kaso ng Zika virus at ang maysakit ay isang 48 taong gulang na lalaki na umuwi mula sa Brazil.
Kabilang sa mga sintomas ng Zika infection ay lagnat, pamamantal, pananakit ng kasukasuan at namumulang mata. Pero, kadalasan hindi ito nangangailangan ng pagkaospital, at mababa rin ang insidente ng kamatayan. Ngunit, ito'y lubhang mapanganib para sa mga nagdadalang tao dahil naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |