Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kaso ng Zika sa Singapore, 242 na

(GMT+08:00) 2016-09-05 16:25:24       CRI

Ayon sa magkasanib na pahayag Linggo ng gabi, Setyembre 4, 2016, ng Ministri ng Kalusugan (MOH) at National Environment Agency (NEA) ng Singapore, umabot na sa 242 ang bilang ng mga nahawahan ng Zika virus sa bansa.

Kasalukuyang tinatalakay ng MOH kung nagiging epektibo ang mga patakaran ng pagbubukod sa mga maysakit. Samantala, ipinagpapatuloy ng NEA ang "vector control" operation para mapigilan ang pagdami ng mga Aedes mosquito, lamok na nagpapalaganap ng Zika, chikungunya at dengue.

Sapul noong katapusan ng Agosto nang ipatalastas ng bansa ang locally transmitted na Zika infection, patuloy na dumarami ang mga kumpirmadong kaso.

Nitong nagdaang Mayo, ipinatalastas ng Singapore ang unang kaso ng Zika virus at ang maysakit ay isang 48 taong gulang na lalaki na umuwi mula sa Brazil.

Kabilang sa mga sintomas ng Zika infection ay lagnat, pamamantal, pananakit ng kasukasuan at namumulang mata. Pero, kadalasan hindi ito nangangailangan ng pagkaospital, at mababa rin ang insidente ng kamatayan. Ngunit, ito'y lubhang mapanganib para sa mga nagdadalang tao dahil naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan.

Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>