Setyembre 23, 2016, Montreal—Kinatagpo ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina si Philippe Couillard, Premiyer ng Lalawigang Quebec ng Kanada.
Tinukoy ni Li na ang kooperasyon ng mga pamahalaang lokal ng Tsina at Kanada ay isang mahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa. Ang Lalawigang Quebec ay nangunguna kung ang pakikipagkooperasyon sa Tsina ang pag-uusapan. Aniya, mainit na tinatanggap ng Tsina ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Quebec sa Tsina, at ineenkorahe rin ang mga bahay-kalakal ng Tsina na makipagkooperasyon sa Quebec.
Ipinahayag ni Couillard na sa panahon ng pagdalaw ni Premiyer Li sa Kanada, sinimulan ng dalawang bansa ang pagsusuri sa talastasan hinggil sa malayang sonang pagkalakalan at kumakatig ang Quebec sa prosesong ito.
salin:wle