Setyembre 23, 2016, Montreal—Nagtagpo sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Stephane Dion, Ministrong Panlabas ng Kanada.
Sinabi ni Wang na naisakatuparan ang pagdadalawan ng mga lider ng Tsina at Kanada sa loob ng isang buwan, at natamo ang 29 na mahalagang bunga ng dalawang bansa, ayon sa magkasanib na pahayag. Dapat magsikap aniya ang dalawang panig para maisakatuparan ang mga bunga, at maayos na kontrolin at hawakan ang mga negatibong elemento.
Sinang-ayunan ni Dion ang sinabi ni Wang. Aniya, nilinaw nina Punong Ministro Justin Trudeau ng Canada at dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina ang blueprint hinggil sa relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Sa susunod na yugto, dapat aniyang matupad ang nasabing blueprint para maigarantiya ang matatag at patuloy na pag-unlad ng relasyong Sino-Canadian.
Salin: Lele