Mula ika-14 hanggang ika-15 ng Setyembre ng taong 2016, idinaos sa Hiroshima ng Hapon ang ika-5 round ng mataas na pagsasanggunian ng Tsina at Hapon sa mga isyung pandagat.
Ang nasabing pagsasanggunian ay kinabibilangan ng mga pulong ng apat na working group na gaya ng pulitika at batas, suliraning pandepensa sa dagat, pagpapatupad ng batas at seguridad sa dagat, at kabuhayang pandagat.
Tinalakay din ng mga kalahok ng dalawang bansa ang isyu ng East China Sea, at mga aktuwal na hakbangin sa pagsasagawa ng mga kooperasyon.
Ayon sa nasabing pagsasanggunian, pabibilisin ng Tsina at Hapon ang proseso ng pagtatatag ng mekanismo ng pag-uugnayan sa pagitan ng mga departamentong pandepensa. Pahihigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng impormasyon at kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa mga krimeng transnasyonal sa dagat.