Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga dalubhasa at opisyal ng Tsina at mga bansang ASEAN na dapat samantalahin ang pagkakataon ng "Belt and Road" Initiative para pasulungin ang mga kooperasyon sa pagitan ng mga lunsod ng dalawang panig hinggil sa kakayahan ng pagpoprodyus.
Idinaos nitong Martes, Setyembre 27, 2016 sa Nanning ng Guangxi, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang ika-2 China ASEAN Mayors' Forum, na nagtatampok sa mga kooperasyon ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan.
Sinabi ni Qi Ji, Pangalawang Puno ng China Association Of Mayors, na dapat patingkarin ang mahalagang papel ng mga bahay-kalakal para ibayo pang pasulungin ang mga kooperasyon ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN sa konstruksyon ng imprastruktura, produksyon ng agrikultura at industriya ng kultura.
Sinabi naman ni Korn Dabbaransi, Tagapangulo ng Thai-Chinese Friendship Association, na sa pundasyon ng China ASEAN Mayors' Forum, dapat itatag ang isang digital platform para mas mabisang pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig.