Idinaos sa Jakarta, Indonesia, Setyembre 19, 2016, ang simposyum ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa pagsasakatuparan ng "2030 Agenda for Sustainable Development" ng United Nations (UN) at pragmatikong kooperasyon ng Tsina at ASEAN para sa sustenableng pag-unlad.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN na ang Tsina ay pinakamahigpit na partner ng ASEAN. Dapat aniyang aktibong isagawa at iugnay ng dalawang panig ang "Belt and Road" Initiative, "China-ASEAN 2+7 Cooperation Framework," "ASEAN Community Vision 2025," "Master Plan on ASEAN Connectivity 2025 (MPAC 2025)," palalimin ang kooperasyon at palakihin ang komong interes ng dalawang panig para sa win-win situation.
Ipinahayag naman ni Vongthep Arthakaivalvatee, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na may pagkokomplemento sa isa't isa ang ASEAN at Tsina sa konektibidad at konstruksyon ng imprastruktura; kaya, inaasahan ng ASEAN na magkakaroon ng kooperasyon ang dalawang panig.
Samantala, sinabi ni Xu Haoliang, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na ang simposyum na ito ay pagsubok sa pagsasagawa ng kooperasyon ng UN, Tsina at ASEAN, at ito ay magiging halimbawa ng South-South Cooperation.
Ang "UN 2030 Agenda for Sustainable Development" ay bunga ng United Nations Development Summit na idinaos noong Setyembre ng 2015. Ang mga target ay kinabibilangan ng pagpapawi ng karalitaan, pagpapasulong ng kaunlarang panlipunan, pagpapalakas ng konstruksyong ekolohikal at iba pa.
Ang nasabing simposyum ay itinaguyod ng Mission ng Tsina sa ASEAN. Magkasama naman itong idinaos ng ASEAN Secretariat at United Nations Development Program (UNDP). Mga 160 opisyal, dalubhasa at kinatawan ng mga bahay-kalakal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN ang kalahok.