Kinatagpo Martes, Setyembre 27, 2016, sa Nay Pyi Taw ng Myanmar ni Pangulong Htin Kyaw ng bansang ito si Guo Shengkun, Ministro ng Pampubliko Seguridad ng Tsina.
Si Guo ay dumalo sa Ika-5 Pulong ng Kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa Pagpapatupad ng Batas at Seguridad.
Sinabi ni Guo na nakahanda ang Tsina na patuloy na palalimin, kasama ng Myanmar, ang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng paglaban sa terorismo, pagbabawal sa droga, garantiyang panseguridad, at pangangasiwa sa lugar na panghanggahan.
Sinabi naman ni Htin Kyaw na ang kooperasyon sa seguridad at pagpapatupad ng batas ay mahalagang bahagi ng relasyon ng Myanmar at Tsina. Umaasa aniya siyang matatamo ng dalawang bansa ang positibong bunga hinggil dito.