Natapos kahapon, Miyerkules, ika-28 ng Setyembre 2016, sa Bangkok, Thailand, ang aktibidad na 2016 Sino-Thai Culture and Tourism Friendship Caravan.
Sa pagtataguyod ng mga ahensiyang pangkultura at panturismo ng mga pamahalaan ng Tsina at Thailand, sinimulan ang aktibidad na ito noong ika-22 ng nagdaang buwan, sa Ordos, lunsod sa hilagang kanlurang Tsina. Sa loob ng mahigit isang buwan, isinagawa sa 7 lalawigang Tsino at 10 lalawigang Thai, ang mga pagtatanghal na pansining, promosyon ng turismo, at iba pang aktibidad.
Ito ang ika-3 beses na isinagawa ng Tsina at Thailand ang ganitong aktibidad.
Salin: Liu Kai