|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur, Malaysia--Sa kanyang pahayag Huwebes, Setyembre 29, 2016, nanawagan si Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia sa International Civil Aviation Organization (ICAO) na dapat itatag ang pandaigdig na mekanismo para ipaalam sa mga airline company ang impormasyon at potensyal na panganib sa paglipad sa mga lugar na may sagupaan. Layon nito aniyang iwasang maulit ang trahedya ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Idinagdag pa ni Liow na ayon sa magkasanib na ulat hinggil sa imbestigasyong kriminal na ipinalabas nang araw ring iyon, pinabagsak ang eroplano ng missile na pinaputok mula sa BUK surface-to-air missile system mula sa isang nayon sa dakong silangan ng Ukraine na kontrolado ng sandatahang puwersang kontra-pamahalaan na nakahilig sa Rusya.
Ipinahayag naman ng panig Ruso na may kinikilingan ang nasabing ulat.
Noong ika-17 ng Hulyo, 2014, bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine, sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Dalawang daan at walumpu't tatlong (283) pasahero at 15 crew ang nasawi sa trahedyang ito. Tatlong Pinoy na sina Irene Gunawan (54 taong gulang), kasama ang kanyang dalawang anak na sina Sherryl Shania Gunawan (15 taong gulang) at Darryl Dwight Gunawan (20 taong gulang) ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |