Oktubre 2, 2016--Ipinahayag ni Theresa May, Punong Ministro ng Britanya sa taunang pulong ng kanyang partido na sisimulan ng pamahalaan ng Britanya ang proseso ng pag-alis ng kanyang bansa bilang miyembro ng Unyong Europeo (EU) bago ang katapusan ng Marso ng susunod na taon.
Aniya, ang proseso ng pag-alis ng EU ay pinagpapasyahan lang ng pamahalaan, at hindi kailangang aprobahan ng parliamento. Binigyan-diin din niyang patuloy pa rin pananatilihin ng Britanya ang mahigpit na relasyon sa EU sa hinaharap.
salin:wle