Ayon sa 2015 Statistical Bulletin of China's Outward Foreign Direct Investment na isinapubliko kamakailan, noong 2015, 8.029 bilyong dolyares ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa Amerika na naging pinakamataas sa kasaysayan. Ang datos na ito ay katumbas ng 5.5% ng kabuuang halaga ng direktang pamumuhunang panlabas ng Tsina.
Ayon sa statistical bulletin, iba't iba ang mga larangang direktang pinamumuhunanan ng Tsina sa Amerika noong isang taon, kabilang dito, 3 industriya ang may 1 bilyong dolyares na direktang pamumuhunan. Mahigit 4 na bilyong dolyares ang pamumuhunan ng Tsina sa industriya ng pagyari ng Amerika, na lumaki ng 122.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Pumangalawa at pumangatlo ang industriya ng pangungupa at serbisyong komersiyal, at industriya ng pananaliksik na pansiyensiya't panteknolohiya at serbisyong teknikal, sa 2.239 bilyong dolyares at 1.228 bilyong dolyares, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Vera