Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seremonya ng pagsisimula ng "China-Russia Silk Road," pinasinayaan

(GMT+08:00) 2016-10-11 17:41:40       CRI

Beijing — Idinaos Martes, Oktubre 11, 2016, sa Embahadang Ruso sa Tsina, ang seremonya ng pagsisimula ng omnimedia reporting tour of China na pinamagatang "China-Russia Silk Road." Dumalo sa seremonyang ito sina Dai Bingguo, Tagapangulo ng Panig Tsino sa Komisyon ng Pagkakaibigan, Kapayapaan, at Kaunlarang Sino-Ruso, Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina, Li Huilai, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, Wu Shangzhi, Pangalawamng Puno ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television of the People's Republic of China, Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International (CRI), at Dmitriy Kiselyov, Presidente ng Rossiya Segodnya.

Group photo ng aktibidad

Ang aktibidad na ito ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television of the People's Republic of China, China Radio International (CRI), at Rossiya Segodnya.

Si Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Andrey Denisov na ang China-Russia media tour ay nagsisilbing mabisang platapormang pangkooperasyon. Ito aniya ay naging espesyal na modelo ng kooperasyon sa pagitan ng mga media ng dalawang bansa.

Si Li Huilai, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina

Ipinahayag naman ni Li Huilai ang maringal na pagbati sa opisyal na pag-uumpisa ng nasabing aktibidad. Tinukoy niya na kasalukuyang aktibong pinasusulong ng mga kaukulang bansang kinabibilangan ng Tsina at Rusya, ang konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative. Ito aniya ay mahalagang hakbang para mapasulong ang kasaganaan at kaunlaran ng Tsina at Rusya, at ang mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road."

Si Wang Gengnian, Presidente ng CRI

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Wang Gengnian na ang naturang aktibidad ay isa pang malaking bilateral na proyektong pangkooperasyon ng mga media ng Tsina at Rusya. Ito aniya ay binalak at isinagawa ng CRI. Layon nitong isalaysay ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, kasaysayan, kultura, at katutubong kaugalian ng mga mahalagang lunsod sa kahabaan ng economic belt ng Silk Road.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>