Ipinahayag Oktubre 11, 2016 ni Dmitri Peskov, Kalihim na Pang-impormasyon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na kinansela ang nakatakdang pagdalaw ni Pangulong Putin sa Pransya, sa ika-19 ng buwang ito.
Sinabi ni Peskov na ang naturang desisyon ay ginawa ng panig Ruso dahil sa pagkansela ng panig Pranses sa mga aktibidad na pangkultura na nakatakdang daluhan ni Pangulong Putin. Nilinaw ni Peskov na ang pagkansela ay hindi dahil sa bali-balitang nais talakayin ni Pangulong Francois Holland ng Pransya ang isyu ng Syria.