Ipinahayag kahapon, Oktubre 12, 2016 ni Nie Chenxi, Direktor ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television of the People's Republic of China na umaasa siyang sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kambodya, ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa aspekto ng radyo at TV.
Winika ito ni Nie sa kanyang pakikipag-usap kay Ouk Prathna, nanunuparang Ministro ng Pamamahayag ng Kambodya. Ipinahayag pa niyang nitong ilang taong nakalipas, nananatiling maganda ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Kambodya sa radyo at TV at gumaganap ng positibong papel sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa at pag-uunawaan ng mga mamamayan.