PANGULONG DUTERTE, NAGSIMULA NA NG PAGLALAKBAY SA BRUNEI AT TSINA. Makikita si Pangulong Duterte na akbay ang isang kababayang naghatid sa kanya sa Davao International Airport kahapon bago sila lumipad patungong Brunei. Bukas, maglalakbay na siya patungong Tsina at makakausap si Pangulong Xi Jinping. (Malacanang Photo)
SINABI ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalakbay sa tatlong bansa sa pamamagitan ng pagdalaw sa Brunei, sa Tsina at sa Japan.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni G. Abella na magiging payapa ang pakikipag-usap at hindi magkakaroon ng anumang negosasyon lalo sa mga isyung may kinalaman sa South China Sea.
Idinagdag pa ni G. Abella na hinggil sa paglilibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos, maaari siyang umanong sumunod ang pamahalaan sa anumang desisyon ng Korte Suprema sa petisyong pumipigil sa binabalak na paghahatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani. Susunod ang Duterte administration sapagkat sumusunod naman sa batas ang Korte Suprema. Nabanggit na ito ni G. Duterte bago siya umalis patungo sa Brunei at Tsina.