Ipinahayag Martes, Oktubre 18, 2016, sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina ay isang historikal na pagdalaw at ito aniya ay magiging bagong starting point ng relasyong Sino-Filipino.
Sinabi rin ni Wang na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagdalaw ni Pangulong Duterte. Naniniwala aniya siyang magiging tagumpay ang nasabing pagdalaw para mapanumbalik ang relasyon ng dalawang bansa sa normal na landas at likhain ang bagong pagkakataon para sa mga kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.