Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumating kagabi, Oktubre 18, 2016, sa Beijing si Pangulong Rodrigo Duterte para isagawa ang 4 na araw na dalaw pang-estado sa Tsina.
Sinalubong sa paliparan ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, si Pangulong Duterte
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa kanyang pananatili sa Tsina, makikipag-usap si Duterte kay Xi para talakayin ang hinggil sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, pagpapalalim ng kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Bukod dito, makikipagtagpo rin si Duterte kina Premyer Li Keqiang at Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).