|
||||||||
|
||
NANINDIGAN si Pangulong Duterte na handa siyang mabulok sa bilangguan at hindi siya nangangambang siyasatin sa mga nagaganap sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga Filipino sa Brunei kagabi, sinabi ng pangulo sa International Criminal Court na huwag siyang takuting isailalim sa imbestigasyon.
Huwag na kayong manakot pa, dagdag pa ng pangulo. Hindi umano kapani-paniwala ang sinasabi laban sa kanya sa pagdedeklara ng kampanya laban sa droga.
Binanggit na ni ICC Chief Prosecutor Fatou Bensoud noong Biyernes na magsisimula silang magmasid sa mga nagaganap sa Pilipinas mula ng magdeklara ng kampanya laban sa illegal drugs. Tila umano nagpipikit-mata ang pamahalaan sa mga pagpaslang. Ang international court ang naglilitis sa mga taong akusado ng mga krimen laban sa sangkatauhan.
Inamin ni G. Duterte na mayroong extrajudicial killings sa bansa subalit tumangging nakakapasa ito sa pamahalaan.
Wala umanong mali sa kanyang pagbabantang papatay ng mga kriminal sapagkat wala umanong alam ang mga dalubhasa sa human rights. Pinalakpakan siya ng mga nakinig sa kanyang talumpati.
Nababahala rin ang United Nations, United States at maging ang European Union sa serye ng mga pagpatay sa Pilipinas at namura na sila ni G. Duterte sa kanila umanong panghihimasok sa nagaganap sa bansa.
Ayon sa pagtatala ng isang pahayagan, umabot na sa 1,325 ang drug-related deaths mula ng maupo si G. Duterte sa Malacanang noong huling araw ng Hunyo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |