Magkasamang dumalo ngayong araw, Oktubre 20, 2016, sa Beijing sina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer Tsino, sa Philippines-China Trade & Investment Forum.
Ipinahayag ni Duterte na nakahanda ang kanyang bansa na palalimin ang mga kooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan. Dagdag pa niya, winewelkam ng Pilipinas ang ibayo pang pagpapalaki ng pamumuhunan ng Tsina.
Sinabi ni Zhang na malawak ang prospek ng aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Pilipinas. Nakahanda ang panig Tsino na isagawa, kasama ng Pilipinas, ang mga malalim na kooperasyon sa imprastruktura, enerhiya, kalakalan, pamumuhunan, agrikultura at pagbabawas ng kahirapan, aniya pa.