|
||||||||
|
||
si Shen Danyang,Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina
Beijing, China — Isiniwalat Martes, Oktubre 18, 2016, ni Tagapagsalita Shen Danyang ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na palalakasin ng Tsina at Pilipinas ang estratehikong pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan. Kabilang dito aniya ay malalimang pagtalakay tungkol sa paraan ng pagpapalawak ng bilateral na kalakalan, pagpapasulong at pagbibigay-patnubay sa pagpapalawak ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal Tsino sa Pilipinas, at iba pa.
Isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state visit sa China mula ika-18 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan. Sa isang regular na preskon, ipinahayag ni Shen na inaasahan ng panig Tsino na sa pamamagitan ng nasabing biyahe ni Pangulong Duterte, ibayo pang mapapatibay at mapapalakas ang pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at walang humpay na mapapataas ang saklaw at lebel ng kooperasyon.
Magiging aktuwal ang nilalaman ng nasabing kooperasyon, ani Shen. Kasama rito ang pagpapalawak ng panig Tsino ng pag-aangkat ng mga prutas, at iba pa.
Nitong ilang taong nakalipas, mahigpit ang pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Ayon sa opisyal na datos, mula noong Enero hanggang Setyembre, 2016, lumaki ng 10.6% ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |