Nagtagpo ngayong araw, Oktubre 20, 2016 sa Beijing sina Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan, Punong Lehislatura ng Tsina, at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Sinabi ni Duterte na nakahanda ang Pilipinas na pasulungin ang pagpapalitan at patutulungan ng mga lehislatibong organo ng dalawang panig para pasulungin ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan, at nakinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Zhang na lubos na pinahahalagahan ng NPC ang relasyon sa Mababa't Mataas na Kapulungan ng Pilipinas. Nakahanda aniya ang NPC na pahigpitin, kasama ng panig Pilipino, ang pagpapalitan at pagtutulungan para pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.