SINABI ni Senador Richard Gordon na maling putulin ng Pilipinas ang magandang relasyon sa Estados Unidos kapalit ng mga matatanggap ng Pilipinas mula sa Tsina.
Hindi umano siya sang-ayon sa pagputol sa pakikipagkaibigan sa mga Americano. Nabanggit ni Pangulong Duterte na panahon na upang tapusin ang relasyon sa America a matagal din namang naging kaibigan.
Hindi naman kailangang iwanan ang matagal mo ng kaibigan, dagdag pa ni Senador Gordon. Bahagi ang senador ng majority bloc sa Senado. Idinagdag pa niyang mahirap iwanan ang kabigang matagal mo ring inasahan. Nakikita lamang umanong walang long-term vision ang pamahalaan.