Ipinahayag Oktubre 19, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang magkakasamang pagsisikap na may pakikisangkot mula sa ibat-ibang panig ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Nguyen Chi Vinh, Pangalawang Ministrong Pandepensa ng Biyetnam sa kanyang pakikipag-usap sa American counterpart, na kung maisasakatuparan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan sa Asya-Pasipiko, susuportahan ng Biyetnam ang pakikialam na isasagawa ng Amerika at mga kaalyado, sa mga suliranin ng rehiyong ito.
Ipinahayag ni Hua na pinatutunayan sa karanasang pangkasaysayan at sa kasalukuyan, na ang soberanya, seguridad at pag-unlad ng estado ay dapat pangalagaan ng mga mamamayan mismo. Samantala, ang katulad na usapin ng rehiyon ay dapat isakatuparan batay sa magkasamang pagsisikap ng mga may-kinalamang panig, sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon, sa halip na pakikialam mula sa ilang bansa, aniya pa.