Ipinahayag Oktubre 24, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikiramay sa mga sinalantang purok ni Bagyong "Lawin" o "Haima" na dumaan sa Pilipinas, mula noong Oktubre 19 ng gabi, 2016.
Sinabi ni Lu na dumalaw sa Tsina si Pangulong Rodrigo Duterte, mula noong Oktubre 18-21, 2016. Sa pakikipag-usap kay Pangulong Duterte, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pakikiramay, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, sa mga mamamayang Pilipino sa mga purok-kalamidad. Nagpadala rin ng mensahe si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sa kanyang Filipino counterpart na si Perfecto Yasay.
Ipinahayag ni Lu na bibigyan ng Red Cross ng Tsina ang panig Pilipino ng 100 libong dolyares, bilang makataong tulong. Samantala, magbibigay din aniya ang pamahalaang Tsino ng tulong, hangga't maari, sa pamahalaang Pilipino.
Nananalig aniya siyang mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Pilipino ang kalamidad, sa ilalim ng pamumuno ng pamahalaan.